70

Jan 24, 2021 @ 14:19
By

‘Pinas pasok sa M2 Finals! BREN Esports pinagbagsak RRQ

Nasungkit ng BREN Esports ang bansag na ‘Indonesian Slayer’ sa kanilang pagdomina sa RRQ Hoshi sa M2 Worlds Lower Finals nitong Linggo.

Dahil sa panalo ng pambato ng Pilipinas, abante sila sa grand finals kontra naman sa Myanmar champs Burmese Ghouls.

Sa unang laro, nagkaroon ng ‘download game’ ang BREN kung saan bigo silang makasabay sa lineup ng RRQ, kung saan hindi pinaglaro ang kanilang mga main player na sina Lemon at Albert.

Ngunit sa mga sumunod ng laro, pinakita na ng BREN ang kanilang bangis, at nanguna ang kanilang prodigy at carry na si KarlTzy hawak ang kanyang main hero na Lancelot at Claude, pati na rin ang si Flaptzy sa kanyang Baxia pick.

Sa Game 4 at panelyong laro, tumantos ng 12 kills, 1 death at six assists si KarlTzy, habang may 1 kill, four death at 16 assists naman si Flaptzy.

Ito ang kauna-unahan na walang Indonesian squad sa grand finals ng world championship ng Mobile Legends.

Dati namang tinalo ng Burmese Ghouls ang BREN sa Upper Bracket sa iskor na 2-0, at kanila itong muling makakasagupa sa best of seven series para sa kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?