21

Oct 1, 2020 @ 19:15
By

‘Pinas pasok na sa top 20 ng COVID case worldwide

Pumuwesto sa top 20 sa mga bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus disease sa buong mundo ang Pilipinas.

Ito’y matapos makapagtala nitong Huwebes ng 2,415 bagong kaso sa bansa.

Bunga nito, umakyat sa 314,079 ang kabuuang kaso ng virus sa ‘Pinas: 54,294 ang active case; 5,562 ang pumanaw habang 254,223 ang nakarekober na.

Inungusan ng Pilipinas ang Pakistan, na may 312,806 na kaso sa kasalukuyan, at inupuan ang ika-20 puwesto, ayon sa datos mula sa Johns Hopkins University nitong October 1, 6:23 ng gabi.

Nakabuntot na ang Pilipinas sa Italy, na may 314,861 na total COVID case.

Nangunguna pa rin sa may pinakamataas na bilang ng tinamaan ng COVID-19 worldwide ang Amerika sa 7,233,946; kasunod ang India sa 6,312,584; at Brazil sa 4,810,935 cases.

Samantala, ang iba pang bansang nasa top 20 ay ang:

· Russia – 1,179,634

· Colombia – 829,679

· Peru – 811,768

· Spain – 769,188

· Argentina – 751,001

· Mexico – 743,216

· South Africa – 674,339

· France – 604,031

· Chile – 462,991

· Iran – 457,219

· United Kingdom – 455,846

· Bangladesh – 363,479

· Iraq – 362,981

· Saudi Arabia – 334,605

· Turkey – 318,663

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?