6

Mar 2, 2021 @ 11:15
By

‘Pinas papakyaw Sinovac vaccine ngayong Marso – Galvez

Inihayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. kahapon na bibili ang bansa ng isang milyong doses ng Sinovac vaccine mula China ngayong Marso.

Aniya, nagkaubusan na kasi ng ibang suplay ng COVID-19 vaccine sa buong mundo kaya papakyaw na lang sa Sinovac.

“Kaya po tayo, mayroon tayong procurement this coming March, mayroon po tayong one million from Sinovac,” wika niya sa isang briefing.

“May PO tayo na one million. Ang ginagawa kasi natin, ang agreement natin sa Sinovac, iyong per PO, ibig sabihin iyong Purchase Order, iyong Purchase Order na one million, mayroon na po tayong pondo doon. Ang pondo po natin doon is P700 million,” pagpapatuloy niya.

Sambit ni Galvez, darating din ngayong Marso ang mga bibilhing bakuna pagkatapos ng kanilang transaksiyon.

“So once na napirmahan na po namin iyon, dadating po ang one million doses this coming March po, in tranches po. Nakita po natin iyong 500,000 [doses] ay [isasakay sa] isang malaking eroplano po iyon, so in two tranches po iyon,” hayag niya.

Nito lamang Linggo nang dumating sa Villamor Air Base, Pasay City ang 600,000 doses ng Sinovac COVID-19 vaccine na siyang kauna-unahang bakuna kontra COVID-19 ng bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?