18

Jan 16, 2021 @ 9:18
By

‘Pinas pangalawa sa pinaka ‘Instagrammable’ na lugar sa buong mundo — travel website

Kinilala ang Pilipinas bilang ikalawang pinaka Instagrammable na lugar sa buong mundo para sa taong 2021.

Ayon ito sa isang travel website na Big Seven Travel.

Inilarawan sa website ang bansa bilang “home to incredible natural wonders like an underground river and tranquil rice terraces in addition to a vibrant culture and history spanning several millennia; and over 7,500 islands.”

“The Philippines as a whole are extremely Instagrammable. From the bustling capital of Manila complete with colourful colonial streets to the absolute oasis of Boracay, the gram opportunities here are endless,” dagdag pa nito.

Ikinatuwa naman ng Department of Tourism ang balitang ito.

“The Department of Tourism (DOT) celebrates the inclusion of the Philippines in the Most Instagrammable Places in the World list of the renowned travel website Big 7 Travel for the year 2021,” anila sa kanilang Facebook page.

Nanguna sa listahan ang bansang Japan. Pumangatlo naman ang Paris, France na sinundan ng New York City at Istanbul, Turkey.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?