12

Aug 5, 2020 @ 21:08
By

‘Pinas pang-24 na sa mundo sa COVID case

Tumalon sa 24th place ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming kaso ng coronavirus disease, batay sa global tracker ng Johns Hopkins University (JHU).

Ito’y matapos pumalo sa 115,980 ang positibo nitong Miyerkoles sa PH.

Ayon sa global tracker, nakabuntot na ang Pilipinas sa Indonesia, na may 116,871 COVID-19 case.

Namumuro na ring mag-numero uno ang Pilipinas sa mga bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng virus, na inuupuan sa ngayon ng Indonesia.

Nangunguna pa ring may pinakamalaking bilang ng tinamaan ng COVID sa mundo ang Amerika sa 4,771,846 kasunod ang Brazil sa 2,801,921.

Hanggang nitong August 5 ay mahigit 18 milyon na ang na-infect ng coronavirus sa mundo, 701,278 ang pumanaw habang lagpas 11 milyon ang nakarekober.

Nasa ibaba ang “top 25 countries” na may “most COVID-19 infections” as of 7:34 PM – August 5, 2020 ayon sa COVID-19 dashboard ng JHU.

1. US – 4,771,846 cases
2. Brazil – 2,801,921 cases
3. India -1,908,254 cases
4. Russia – 864,948 cases
5. South Africa – 521,318 cases
6. Mexico – 449,961 cases
7. Peru – 439,890 cases
8. Chile – 362,962 cases
9. Colombia – 334,979 cases
10. Iran – 317,483 cases
11. United Kingdom – 307,257 cases
12. Spain – 302,814 cases
13. Saudi Arabia – 281,456 cases
14. Pakistan – 281,136 cases
15. Italy – 248,419 cases
16. Bangladesh – 246,674 cases
17. Turkey – 234,934 cases
18. France – 228,576 cases
19. Argentina – 213,535 cases
20. Germany – 213,090 cases
21. Iraq – 134,722 cases
22. Canada – 119,659 cases
23. Indonesia – 116,871 cases
24. Philippines – 115,980 cases
25. Qatar – 111,538 cases

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?