90

Mar 5, 2021 @ 15:38
By

‘Pinas nganga sa bakuna kung hindi si Duterte presidente – Roque

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kung iba ang presidente ng Pilipinas, hanggang ngayon ay wala ni isang bakuna laban sa coronavirus ang bansa.

Pinasalamatan din ni Roque ang mga Davaoeño sa pagpapahiram kay Duterte, na dati nilang alkalde.

“Patuloy po akong nagpapasalamat dahil ipinahiram ninyo sa amin ang Presidente Rodrigo Roa Duterte. Kung hindi po ngayon ipinahiram sa bansang Pilipinas ng Davao ang ating Presidente, siguro po ngayon wala pa ring bakuna,” lahad ni Roque sa paglulunsad ng bakuna sa Davao City nitong Biyernes.

“Kung tayo po ay nag-rely lamang po doon sa dati nating sinasandalan na bansa, hanggang ngayon po wala sana tayong natanggap ngayon po ng mga bakuna,” dagdag niya.

Binanggit ni Roque ang pagtanggap ng bansa ng 600,000 doses ng coronavac mula sa China at 487,200 doses ng AstraZeneca shot mula naman sa COVAX Facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?