106

Jan 13, 2021 @ 21:04
By

‘Pinas napasok na ng bagong COVID variant mula UK

Kinumpirma ngayong Miyerkoles na may unang kaso na ng bagong COVID-19 variant na nagmula sa United Kingdom sa Pilipinas.

Isang Pilipino na dumating sa bansa mula sa United Arab Emirates (UAE) noong Enero 7 ang nagpositibo sa bagong COVID-19 variant.

Ang pasyente ay isang lalaking residente ng Quezon City na umalis sa Dubai noong December 27, 2020 at dumating sa Pilipinas noong January 7, 2021 sakay ng Emirates Flight No. EK 332 para sa business purposes.

Agad siyang isinailalim sa swab test at quarantine sa isang hotel at kinabukasan ay lumabas na positibo siya sa virus kaya inilipat siya sa isang quarantine facility sa Quezon City habang dinala ang mga samples na nakuha sa kanya sa Philippine Genome Center para sa genome sequencing.

Negatibo naman sa COVID-19 ang babaeng partner ng pasyente na kasama niyang bumiyahe pa-Pilipinas pero naka-quarantine din ito at patuloy na minomonitor.

Samantala, nagsasagawa na ng contact tracing sa mga pasaherong nakasama sa flight ng pasyente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?