28

Jul 15, 2020 @ 15:33
By

‘Pinas na-flatten na ang COVID curve mula pa Abril – Duque

Matagumpay na umanong na-flatten ng Pilipinas ang curve ng coronavirus infections, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Pahayag ito ni Duque nang tanungin tungkol sa pagtaas ng COVID-19 case sa bansa na umabot na sa 57,545 as of July 14, kabilang ang 20,459 nakarekober at 1,603 nasawi.

“We have successfully flattened the curve since April. The metrics for arriving at that conclusion of flattening the curve is actually one, the case doubling time of the COVID-19 infection has actually become longer,” wika ni Duque sa Pre-SONA forum.

Paliwanag ni Duque, ang pagdoble ng kaso – o bilis ng pagdoble ng infections sa isang lugar – ay bumagal.

Dagdag ni Duque, inaabot ng 8-12 araw bago dumoble ang infections sa Metro Manila, ang sentro ng local contagion.

Ang isa pa umanong metric para masabing na-flatten ang curve ay ang pagbagal ng pagdoble ng mortality o namatay sa sakit.

“The other metric to say that we’ve flattened the curve is also the mortality doubling time has also got longer and is now in the moderate risk classification,” wika pa niya.

Ayon sa ilang eksperto, masasabi na na-flat na ang COVID-19 curve kapag wala nang halos naitatalang bagong kaso ng sakit sa loob ng dalawang linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?