17

Sep 27, 2021 @ 16:36
By

Pinas ‘moderate risk’ sa COVID – DOH

Binaba ng Department of Health (DOH) ngayong Lunes sa ‘moderate risk’ ang klasipikasyon ng bansa pagdating sa COVID-19.

Ayon kay DOH Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea De Gzuman, bumaba sa -4 percent ang growth rate ng mga COVID cases sa bansa sa huling dalawang linggo.

“At the national level, we are now at the moderate-risk case classification because our two-week growth rate has become a negative two-week growth rate,” pahayag ni De Guzman,

“We’re at negative 4 percent in the recent one to two weeks, much lower than the 27 percent we reported the week prior,” dugtong pa nito.

Bukod sa pagbaba ng growth rate, nanatiling nasa moderate-risk level ang bed utilization rate, ngunit nasa high risk naman ang Intensive Care Unit occupancy rate.

Samantala, maging ang NCR ay nasa moderate risk na lamang dahil sa negatibong growth rate. Ang Calabarzon, at Central Luzon na nakapalibot sa Metro Manila ay nasa moderate risk din. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?