10

Aug 3, 2020 @ 8:50
By

‘Pinas modelo sa pagpapauwi ng mga nasa abroad

Inaasahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 100,000 pang Pilipino na babalik sa bansa, dagdag sa 102,519 katao, karamiha’y OFW, na inuwi ng gobyerno mula Pebrero hanggang Hulyo 25.

Wika ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr., ito na ang pinakamalaking repatriation sa kasaysayan ng Pilipinas.

Gagamitin din aniya niya ang kanyang buong pondo para mapauwi ang mga Pinoy abroad na inalis sa trabaho.

“It’s the biggest repatriation ever in our history, possibly the biggest repatriation anywhere, of any country, in the world,” sabi ng kalihim sa isang panayam sa programang “Usapang CQ”, Biyernes ng gabi.

“If you have lost your jobs and you need to come home, I’m going to use my entire budget to bring you home,” aniya pa.

Dahil din aniya rito kaya tinawag ang ating bansa bilang “modelo” ng mundo.

“The rest of the world are astonished at the scale and success of our repatriation. It’s never been done before. Usually foreign governments would say [to their nationals who are staying overseas], ‘Well, they’re abroad, that’s their problem.’ Well, not us, we brought them home—and they cannot believe it,” sambit ni Locsin.

“The International Organization for Migration said, ‘You are the model of the world.’ That’s not BS,” dagdag niya.

Ang pinakamalaking mass repatriation sa bansa ay naganap noong 1991, nang nilikas ang 20,000 hanggang 30,000 katao mula sa Iraq, Kuwait, Saudi Arabia at iba pang bansa sa Middle East, sa kasagsagan ng unang Gulf War.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?