44

Mar 8, 2020 @ 15:12
By

‘Pinas may pinakamagandang containment vs coronavirus – Panelo

Naniniwala si Presidential Spokesperson Salvador Panelo na hindi kailangang magkansela ng pasok sa gobyerno ang administrasyon dahil aniya, maganda umano ang aksyon ng mga local health authority laban sa coronavirus.

“Wala naman, hindi naman crowded ang mga gobyerno,” ayon kay Panelo nang matanong ukol sa suspensyon ng pasok ng mga government employee.

“I don’t think we have reached that level, We should not panic. Tayo nga ang (may) pinakamagandang containment,” aniya pa.

Sa ngayon ay anim na ang nakumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa, tatlo dito ay Pinoy.

Itinaas na ng Department of Health ang code red, sublevel 1 sa Pilipinas nitong Sabado matapos maitala ang dalawang kaso ng local transmission ng nasabing virus,.

Idedeklara naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang public health emergency dahil sa pagdagdag ng COVID-19 patient sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?