68

Jul 12, 2020 @ 15:46
By

Pinas may COVID airport lab na!

Sa pinakaunang pagkakataon, mayroon nang paliparan sa bansa na nagtataglay ng COVID-19 laboratory.

Katuwang ang GMR Megawide Cebu Airport Corporation, binuksan ng Mactan-Cebu International Airport Authority ang 400-sqm. laboratory sa Mactan-Cebu International Airport.

Kada araw, kaya nitong magproseso ng mula 1,500 hanggang 3,000 RT-PCR test, na siyang gold standard sa pagtukoy ng COVID-19.

Kasunod ito ng direktiba mula kay Transport Secretary Arthur Tugade na dapat magkaroon ng molecular lab ang mga airport.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?