44

Apr 24, 2020 @ 19:37
By

‘Pinas may 18 COVID-19 testing center na – DOH

Mayroon nang 18 subnational laboratories ang bansa na may kapasidad na mag-detect ng COVID-19.

Ito’y matapos sertipikahan ng Department of Health ang Philippine Genome Center sa Quezon City bilang COVID-19 testing center.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, may daily testing capacity na 4,500 na sa ngayon ang bansa.

Sa ngayon ay 68,675 na indibiduwal na ang na-test ng mga accredited laboratory.

Ang mga sumusunod ang 18 testing laboratories sa Pilipinas:

· Research Institute for Tropical Medicine

· Baguio General Hospital and Medical Center

· San Lazaro Hospital

· Vicente Sotto Memorial Medical Center

· Southern Philippines Medical Center

· University of the Philippines-National Institutes of Health

· Lung Center of the Philippines

· Western Visayas Medical Center

· Bicol Public Health Laboratory

· St. Luke’s Medical Center (Quezon City)

· Victoriano Luna Hospital

· The Medical City

· Makati Medical Center

· Molecular Diagnostics Laboratory

· St. Luke’s Medical Center (Taguig City)

· Philippine Red Cross

· Chinese General Hospital

· Philippine Genome Center

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?