10

Sep 14, 2021 @ 17:02
By

Pinas mauulanan 10-M bakuna mula COVAX

Makakatanggap ang Pilipinas ng 10 milyong COVID vaccine mula sa COVAX facility sa mga susunod na linggo, ayon sa World Health Organization (WHO).

“We are looking at increasing vaccine allocations for the Philippines. COVAX has allocated further 10 million doses to come to the Philippines within the next few weeks,” pahayag ni WHO Philippine representative Dr. Rabindra Abeyasinghe ngayong Martes.

“We expect much larger consignments to come within this third and fourth quarters to the Philippines and to many other countries who are recipients of COVAX vaccines,” dugtong pa niya.

Sa ngayon, nasa 13 milyon bakuna mula COVAX na ang dinala sa bansa, kabilang ang tatlong milyong Johnson & Johnson – isang single dose vaccine.

Sa tulong ng mga ito, nasa walong milyong Pinoy ang nabakunahan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?