21

Dec 20, 2020 @ 10:48
By

‘Pinas makikihati sa 2B dose ng COVID vaccine

Inanunsiyo ng World Health Organizatoin (WHO) na nakatiyak na ang COVAX Facility ng dalawang bilyong doses ng COVID-19 vaccine para sa 190 bansa, kasama ang Pilipinas.

Sambit ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus kahapon, Disyembre 19, ang mga bansang lumahok sa COVAX ay makakukuha ng bakuna sa first half ng 2021.

Ito ay para aniya maprotektahan ang mga mataas ang tsansang mahawa sa coronavirus, gaya ng mga medical frontliner.

Samantala, kinumpirma ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na kabilang ang ‘Pinas sa 85 bansa na nagsumite na ng hiling sa COVAX.

Pero hindi pa raw pwedeng magbigay ng iba pang detalye ukol dito ang Department of Health.

Ang COVAX Facility ay isang mekanismo kung saan pagsasama-samahin ang resources ng mahihirap na bansa upang matiyak ang limitadong suplay ng COVID-19 vaccine mula sa mga developer na bahagi rin ng inisyatiba.

Kabilang sa mga manufacturer na nangakong magbibigay ng suplay ng bakuna sa COVAX ang AstraZeneca (170 milyong doses), Johnson & Johnson (200 milyong doses) at Serum Institute of India (200 milyong doses, bukod sa posibleng higit 900 milyon pang doses).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?