91

Oct 29, 2020 @ 21:50
By

‘Pinas laglag na sa top 20 ng COVID-19 case worldwide

Wala na sa top 20 ang Pilipinas sa mga bansang may pinakamaraming naitalang kaso ng coronavirus disease sa mundo.

Batay sa datos mula sa Johns Hopkins University, as of 8:24 PM nitong October 29, inupuan ng Ukraine ang top 20 spot na dating hawak ng Pilipinas.

Ito’y matapos pumalo sa Ukraine ang 381,664 case habang 376,935 case sa ‘Pinas.

Numero uno pa rin sa dami ng nagpositibo ang Amerika sa 8,859,642.

Nasa top 20 ng COVID case ang: US, India, Brazil, Russia, France, Spain, Argentina, Colombia, United Kingdom, Mexico, Peru, South Africa, Iran, Italy, Chile, Germany, Iraq, Bangladesh, Indonesia at Ukraine.

Pang-21 na ang Pilipinas kasunod ang Turkey at Belgium.

Samantala, 44,614,050 na ang COVID-19 global case kabilang ang 1,175,712 na pumanaw at 30,105,281 na nakarekober.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?