1,568

Sep 14, 2021 @ 20:09
By

‘Pinas inalerto ng Japan vs terror attack

Kinumpirma ng Japanese Embassy na nakatanggap ang Tokyo ng intelligence report tungkol sa posibleng terror attack sa anim na bansa kabilang na ang Pilipinas.

Sa pahayag, sinabi ng embahada na hindi nila maaaring isiwalat ang ibang detalye tungkol sa report ngunit pinaiiwas ang kanilang mamamayan na nasa Indonesia, Pilipinas, Singapore, Malaysia, Thailand at Myanmar sa mga religious facility at matataong lugar.

Ito ay dahil sa natanggap na impormasyon na may mataas na peligro ng terorismo tulad ng suicide bombing.

“We confirm that the Japanese government has received information about a possible terror attack, but we cannot give you any detailed background at the moment.

“In relation to this, we issued a warning to alert Japanese people residing in some Southeast Asian countries, but we cannot disclose the source,” anang embahada.

Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs at Armed Forces of the Philippines na wala pa silang natanggap na report tungkol sa banta ng terorismo.

Tiniyak naman ni AFP spokesperson Col. Ramon Zagala sa mga mamamayan na nasa bansa na poprotektahan ang mga ito at pananatilihing ligtas mula sa banta ng mga terorista.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?