122

Oct 6, 2021 @ 16:33
By

Pinas delikado sa Marcos presidency—Colmenares

Delikado umano ang Pilipinas kung maluluklok sa Malacañang ang isang gaya ni dating Sen. Bongbong Marcos na naniniwala na ang Martial law ay golden age ng bansa.

Ayon kay Bayan Muna chairperson Neri Colmenares, mas lalong naging mapanganib si Marcos dahil malaki ang tyansa nito na manalo sa eleksyon batay sa mga survey.

“Bongbong Marcos would be a very dangerous president because he can condemn the people again to human rights violations, to corruption, to cronyism, and to debt-ridden economy,” sabi ni Colmenares sa isang panayam sa telebisyon.

Batay sa survey ng Pulse Asia na isinagawa mula Setyembre 6 hanggang 11, si Marcos ay nakakuha ng 15% pumangalawa kay Davao City Mayor Sara Duterte na nakakuha ng 20%.

Ang pagtakbo umano ni Marcos, ayon kay Colmenares ang dapat na maging hudyat ng oposisyon upang magsama-sama para matiyak na hindi ito mananalo.

“The fact that his policy, his line of thinking and his track record of course as part of the Marcos hierarchy at that time, certainly make him a dangerous opponent which should give the opposition the need to further unify to ensure that no Marcos or Duterte will ever stay in Malacañang in 2022,” dagdag pa ni Colmenares.

Naniniwala si Colmenares na ang mga tao na sumusuporta kay Marcos ay manipulado kaya naniniwala rin ang mga ito na maganda ang kalagayan ng bansa noong Martial law kahit hindi naman ito totoo.

“That is why it is for the opposition to painstakingly win them over. We will win in 2022 if we also manage not only to galvanize the entire opposition… but also manage to win over people who were misguided by their political propaganda,” wika pa ng dating kongresista.

Si Marcos ay naghain ng kanyang certificate of candidacy ngayong Miyerkoles. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?