525

Oct 18, 2021 @ 17:31
By

Pinas dapat maghanda sa pagbagal ng ekonomiya ng China

Pinaghahanda ni House Committee on Ways and Means chairperson at Albay Rep. Joey Salceda ang gobyerno sa posibleng epekto sa bansa ng pagbagal ng paglago ng ekonomiya ng China sa ikatlong quarter ng taon.

Sinabi ni Salceda na ang pagbagal ng economic growth ng China ay kaalinsabay ng ulat na lubog sa $300 bilyong utang ang China Evergrande Group, ang pinakamalaking property developer sa China at ang pagkabigo ng luxury real estate developer na Fantasia Holdings na magbigay ng $206 milyong US dollar bond payment.

“So, although the Chinese economic authorities are trying to allay market fears, I would be on high alert, especially since many of our big conglomerates have exposure in the Chinese real estate market,” sabi ni Salceda.

Batay umano sa karanasan ng bansa noong 2008 Global Financial Crisis, mas mabuti ang paghahanda nang mas maaga.

Ayon kay Salceda, inutusan siya ng noon ay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo na maghanda ng mga packages upang malimitahan ang epekto ng financial crisis sa bansa.

Kagagaling lamang umano noon ni Arroyo sa World Economic Forum sa Davos.

“The President (GMA) sensed from her meetings with world leaders that time that the world was headed for trouble. So, we crafted contingencies early,” dagdag pa ni Salceda.

Mas malapit umano ang China sa Pilipinas kaya mas makabubuti kung maghahanda rin ang gobyerno.

“I don’t think we are headed for disaster, but it’s best to prepare. A low-hanging package should include fast-tracking infrastructure next year, increasing food production, a proactive rollback of policy rate reductions early next year so we can adjust them downward again should we encounter the threat of a slowdown later next year, and continued spending on programs like TUPAD, which we pioneered in 2008,” dagdag pa ng solon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?