49

Jan 13, 2021 @ 14:25
By

‘Pinas coinless na sa 2025 – BSP

Magiging isang coinless society na umano ang Pilipinas pagsapit ng taong 2025.

Ayon ito kay Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno ngayong Miyerkoles.

Sa panahong iyon, ang maliliit kasing transaksiyon ay magagawa aniya via QR codes na makukuha sa pamamagitan ng tinutulak ng gobyerno na national identification system.

“Talking of cashless society, maybe not within my lifetime but I can assure you maybe a coinless society by 2025 for sure, because that will be replaced by the QR Code PH which we are pushing to get our national ID,” wika ng BSP governor sa isang panayam, Enero 13.

“As you know, the central bank is responsible for printing our national ID which will have a QR code at the back and that will accelerate the use of maybe small transactions, you can use that,” aniya pa.

Tinulak aniya ng pandemyang COVID-19 ang pagsulong ng bansa patungo sa digital financial transactions. Kailangan ng contactless payment para hindi na lalong mahawa ang mga tao sa nasabing sakit.

Magugunitang BSP ang umaasikaso sa pagpi-print ng national ID sa kapasidad na 154,000 cards kada araw, na may nakalimbag na QR code sa likuran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?