10

Feb 5, 2021 @ 19:13
By

‘Pinas balak pumakyaw ng COVID-19 vax mula Russia

Kasalukuyang nakikipag-ugnayan ang gobyerno sa Russia upang bumili ng 20 milyon doses ng COVID-19 vaccine nilang Sputnik V.

“Sa ngayon ongoing ang negotiation. Initial request natin is more or less 20 million. We would like to congratulate Sputnik V, dahil 91% ang kanyang efficacy. At least mayroon tayong additional doses ng safe and effective vaccine,” wika ni vaccine czar Carlito Galvez.

Aniya, inaasahang darating sa bansa ang unang suplay ng Sputnik V sa Abril kung maaprubahan ang aplikasyon nito ng emergency use authorization (EUA) sa bansa.

Inaasahang ngayong Pebrero ilalabas ng Food and Drug Administration ang kanilang desiyon hinggil sa EUA ng naturang bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?