42

By

Pinas angat ang laro ngayong Asiad

Sharing is caring!

Magbubulsa ang delegasyon ng Pilipinas ng 21 medalya sa pagtatapos ng 2018 Asian Games, mas mataas ng ilang lebel noong nakaraang edisyon ng Asiad.

Ngayong araw, Linggo, Setyembre 2, magtatapos ang quadrennial meet kung saan pormal na nasa ika-19 puwesto ang ‘Pinas, mas lamang noong 2014 na nasa ika-22.

15 medalya lang ang naiuwi ng mga atleta noong 2014 Incheon AG, isang ginto, tatlong pilak at 11 tanso.

Ngayong torneo, akyat sa apat ang ginto na binitbit nina Hidilyn Diaz sa weightlifting, Yuka Saso sa individual golf, kasama sina Bianca Pagdanganan at Lois Kaye Go sa team golf, at Margielyn Didal sa skateboarding.

Sa silver, sina Kiyomi Watanabe (judo) at Rogen Ladon (boxing) naman ang nanguna.

15 bronze naman ang nasargo sa pencak silat (4), taekwondo (3), boxing (2), wushu (2),golf (1), cycling BMX (1), jiu jitsu (1) at karate (1).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?