14

Oct 5, 2021 @ 14:50
By

Pinas aambunan ng gawang-China na tocilizumab – FDA

Makakatanggap umano ang bansa ng supply ng tocilizumab na gawa ng Chinese manufacturer na Livzon ngayong linggo, ayon sa Food and Drug Administration (FDA).

Sa panayam ng dzBB ngayong Martes kay FDA Director-General Eric Domingo, sinabi nito na inaprubahan na nila ang dalawang kaparehas na produkto ng tocilizumab.

“Meron na tayo ngayong na-approve na dalawang equivalent na product. Meron pong ‘yung tenziba. Tapos itong week na ito dahil merong darating galing naman sa China na tocilizumab na Livzon,” wika ni Domingo.

“Hopefully, luluwag na kaunti ang supply nito,” dugtong pa nito.

Bukod sa gawa ng Livzon, aprubado na rin umano ng FDA ang dalawang brand ng baricitinib na Barinicix at Barinez.

“Anti-inflammatory din siya. Para siyang tocilizumab. Binibigay din. Meron na rin tayong na-approve nito na tatlong brand nito na maaaring magamit ng ating mga doctor,” saad pa ni Domingo.

At dahil kulang pa rin ang supply ng tocilizumab, muli rin siyang nagbabala sa publiko na huwag kumagat sa mga nag-aalok ng nasabing gamot online. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?