134

Apr 3, 2019 @ 15:49
By

Pinamamahalaan tayo ng sistema ng fake news – Diokno

Pinalagan ni Otso Diretso senatorial candidate Chel Diokno ang panloloko umano ng administrasyon sa taumbayan.

“We are being governed by a system of fake news. We are told for example that the government respects the right to life. But then, alam naman natin, nakikita natin yung araw-araw na EJK. We are told that government respects the rights of women pero halos araw-araw din nilalait ang kababaihan,” ani Diokno.

Tinukoy din nito ang kabiguan ng gobyerno na respetuhin ang karaparatan sa soberanya ng bansa.

“We are told that government respects the sovereign rights of our country and yet kitang-kita naman natin na nanghihimasok yung mga foreign vessel na galing China sa ating teritoryo,” dagdag pa ni Diokno.

Giit nito panahon na umano na bumalik sa basics ang gobyerno at ang pinaka-basic umano rito ay ang “honesty” o pagiging tapat sa public service.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?