By

Pinalutang na ‘no-el’ sa 2019, posibilidad lang – Comelec

Sharing is caring!

Umapela ang Commission on Elections (COMELEC) sa publiko na makilahok sa mga talakayan tungkol sa pag-amiyenda sa Konstitusyon.

Ang pahayag ay ginawa ni Comelec Spokesman James Jimenez sa harap ng isinusulong na pagpapalit ng porma ng gobyerno tungo pederalismo.

Ayon kay Jimenez, dapat maging aktibo ang mga Pilipino sa pakikiisa sa diskusyon nang sa gayon kapag dumating na ang panahon na kailangan nang magpasya at mamili, ang magiging boto ng mga botante ay batay sa sapat na kamalayan sa isyu.

“The Commission therefore urges everyone to participate in the national conversation on Constitutional amendment, particularly in the matter of federalism, so that should the time come to choose, the votes we cast shall be fully informed and well-considered,” saad ni Jimenez.

Kasabay nito, iginiit ni Jimenez na nananatili pa ring nakatutok ang Comelec sa pagganap sa mandato nito na magdaos ng malinis at malayong eleksyon alinsunod sa itinatakda ng 1987 Constitution.

Reaksyon ito ni Jimenez sa pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na posible ang no-elections scenario sa 2019 kung magtatagumpay ang pag-amyenda sa Saligang Batas na magbibigay-daan sa pederalismo.

Aniya, ang tinutukoy lamang naman ni Alvarez ay mga posibleng mangyari.

“It would appear that the Speaker of the House was merely describing one of several possible outcomes that would arise from a successful shift to a federal form of government,” dagdag ni Jimenez. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?