60

Nov 24, 2017 @ 21:05
By

Pinalayang political prisoners, ibabalik sa kulungan – Duterte

Matapos pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 360 na nagtutuldok sa peace talks sa kilusang komunista, nais nitong maibalik sa kulungan ang may 30 hanggang 40 nilang lider na pansamantalang pinalaya ng gobyerno.

Sinabi ng Pangulo sa kanyang talumpati sa ika- 67th Founding Anniversary ng First Scout Ranger Regiment sa Camp Tecson , San Miguel, Bulacan na dapat bumalik kung saan nararapat ang mga pinalayang lider komunista kung ayaw ng mga ito na habulin ng batas.

Inakala ng Presidente na makakatulong sa gobyerno ang mga pansamantalang pinalaya para magkaroon ng kapayapaan sa bansa subalit hindi pala aniya sila dapat pagkatiwalaan.

” I have released about… I have ordered the release of about 30, 40 communist leaders from Muntinlupa. Now, I will consider the movement of the Communist Party of the Philippines as a terrorist group and I am ordering those I have released temporarily to surrender or face again punitive actions. You have to go back where you belong. I released you because I thought it might help,” ang pahayag ng Pangulo.

Habang isinusulong ang pakikipag-usap sa mga komunista, sinabi ni Duterte na napansin nito na iba ang tono ng kabilang panig at saka napagtantong tila mauuwi sa coalition government .

Sinabi ng Pangulo na hindi niya mapagbibigyan ang gusto ng Communist Party of the Philippines kaya tinapos nito ang pakikipag-usap sa kampo ni Jose Maria Sison.

“As it was shaping up during our talks, I already noticed the trend of the thoughts of the other side. And when I sum it all, reading from all from previous working papers, it will sound like a coalition government. That is why I said in the previous days, I cannot give you what I do not own. And certainly, a coalition government with the Republic of the Philippines is pure nonsense,” dagdag na pahayag ni Duterte. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?