26

By

Pinalayang NDF consultants pinapaaresto ni Duterte

Sharing is caring!

Tutugisin na ng mga otoridad ang mga lider-komunista na pansamantalang nakakalaya matapos maideklarang terorista ang mga ito.

Sa talumpati kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga bagong na-promote na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Malacanang, iniutos nito ang mass arrest o maramihang pag-aresto sa mga opisyal ng Kilusang komunista para maibalik ang mga ito sa kulungan.

Karamihan sa mga ito ay kabilang sa negotiating team na nakipag-usap sa mga negosyador ng gobyerno sa Norway at sa The Netherlands.

Pansamantalang nakakalaya ang mga ito sa bisa ng piyansa tulad ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamzon na hindi pa bumabalik sa Pilipinas mula sa The Netherlands.

“For those who are out temporarily, you just maybe zero in now, because any day, I will order for their mass arrest. Wala akong magawa eh.

Ginusto ninyo, I’m addressing them to the TV, ginusto ninyo eh. I gave too much too soon. I know iyong pulis, military, medyo may sentimiyento sa akin. You know, I released almost about 32. They are now considered ordinary criminals,” ang pahayag ng Pangulo.

Matapos maideklarang terorista ang mga NPA ay tuluyan na ring nawalan ng bisa ang safe conduct pass ng mga ito kayat maikukunsiderang wanted ang mga hindi bumalik sa bansa mga mga lider-komunista. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?