412

Sep 25, 2019 @ 14:29
By

Pinalawig na ‘Sotto law’, aprub kay Duterte

Pirmado na bilang batas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang expansion ng Sotto law o ang Republic Act 11458.

Ito ang batas na nagpapalawig sa sakop ng exemptions ng journalists na huwag ibunyag ang kanilang sources sa mga kontrobersiyal na isyu .

Sa dating Sotto law, sakop ang journalists sa print media, broadcast at online media.

Pero sa ilalim ng bagong batas, maaari lamang ilabas ang sources sa isang kontrobersiyal na isyu kung ito ay ipag-uutos ng korte, Kamara, Senado o komite ng Kongreso kung ang impormasyon ay maging dahilan para makompromiso ang seguridad ng estado.

Kabilang sa mga saklaw ng bagong batas ay publisher, owner, accredited journalist, columnist, manager o media practitioner na naglabas ng impormasyon sa print, broadcast, wire service organization o electronic mass media tulad ng cable tv at iba pa.

“Any publisher, owner, or duly recognized or accredited journalist, columnist, manager, media practitioner involved in writing, editing, production and dissemination of news for mass circulation of any print,broadcast,wire service organization , or electronic mass media, including cable TV and its variants can only reveal the source of his/her information if the court or the House of Representatives or Senate or any committee of Congress finds that such revelation is demanded by the security of the State,” anang bagong batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?