18
Menardo-Guevarra-
By

Pinal na aksiyon sa Bora closure, tatalakayin sa cabinet meeting

Posibleng pagpasyahan sa cabinet meeting ngayong Miyerkules ang magiging pinal na aksiyon sa pagpapasara pansamantala sa Boracay island.

Sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Menardo Guevarra na natanggap na ng Office of the President and detalyadong rekomendasyon at paliwanag ng tatlong ahensiya ng gobyerno na naatasang magpatupad ng rehabilitasyon ng isla.

Naunang inihayag ni Guevarra na hiningi nila sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Tourism (DOT) ang mas detalyadong paliwanag at justification sa mungkhaing anim na buwang pagsasara ng isla.

Sinabi ng opisyal na inaasahang tatalakayin sa pulong ng gabinete ang mga ilalargang hakbang para maibalik sa dati ang ganda ng isla ng Boracay.

“May cabinet meeting bukas. baka ma-take up doon ang final action on boracay,” ang maiksing pahayag ni Guevarra.

Matatandaang tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagmistulang tambakan ng basura at dumi ng tao ang dagat sa Boracay dahil sa kawalan ng maayos na sewage system ang mga establisimento kayat nagbanta na ipasasara ito.

Binalaan din ng Presidente na kakasuhan ang mga kokontra sa gagawing rehabilitasyon at hahabulin ang mga lokal na opisyal na nagpabaya sa pagkasalaula ng Boracay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?