93

Nov 17, 2020 @ 23:09
By

Pinakilalang Australyana: Catriona sumimple ng banat sa Miss U Colombia

Nainis ang ilang netizen matapos na mapanood ang introduction kay Catriona Gray nang mag-judge ito sa Miss Universe Colombia pageant.

Sinabi kasi ng host na ‘Australian by birth’ at nirepresenta lamang ni Catriona ang Pilipinas sa Miss Universe 2018.

Dahil dito’y nag-trending ang naturang pageant at pinatamaan ang Miss U Colombia dahil sa umano’y hindi pagrespeto sa Pilipinas at kay Catriona.

Hindi ito pinalampas ni Queen Cat, na poised at classy pa rin ang naging simpleng banat sa Miss Universe Colombia nang mag-post ng picture kung saan nakasulat ang katagang ‘Filipina’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?