19

Nov 22, 2021 @ 15:58

Pinakamatapang sa drug test, Lacson-Sotto negatibo sa iligal na droga

Una ang tambalan nina Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson at running mate niya na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa pagtanggap ng hamon na sumailalim sa drug testing, bilang kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Para kay Lacson, tumatakbong pangulo sa 2022 national elections, ito ang patunay na kaya nilang gawin kung ano ang kanilang pinangako sa publiko, na isang maayos na pamamahala sa bansa. Sumailalim ang dalawang opisyal sa multi-drug screening procedure na kayang ma-detect ang lahat ng uri ng iligal na droga sa katawan ng tao.

Pumunta ang Lacson-Sotto tandem sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Diliman, Quezon City bandang alas-1:00 Lunes ng hapon para sa drug testing. Lumabas sa resulta na negatibo silang pareho sa iligal na droga.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?