50

Sep 17, 2019 @ 15:18
By

Pinakamatandang WWII veteran, nagdiwang ng kaarawan

Nagdiwang ng ika-110 karawan noong Setyembre 12 si Lawrence Brooks, ang pinaniniwalaang pinakamatandang World War II veteran na nananatiling buhay hanggang ngayon.

Napag-alamang sa Pilipinas at New Guinea lumaban si Brooks.

Pinagsaluhan ng mga kaibigan veteran, at militar ang cupcake at pagtatanghal ng Victory Belles trio sa National World War II Museum sa New Orleans, Louisiana, ayon sa ulat ng Fox 5 News.

Naging support worker at kalauna’y Private First Class si Brooks ng 91st Engineer Battalion ng United States Army, isang unit na karamihan ay mga African-American.

May limang anak at limang step-children ang war veteran.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?