13

Jan 13, 2021 @ 18:54
By

Pinakamatandang orangutan pumanaw

Kinailangan nang isailalim sa euthanasia ang kinilalang pinakamatandang orangutan sa mundo.

Sa website ng Oregon Zoo sa US, inanunsyo ang pagyao ni “Inji” sa edad na 61 noong Jan. 9.

Nagdesisyon ang mga beterinaryo at tagapangalaga niya na i-euthanasia na si Inji dahil hindi na umuubra ang pain reliever sa kanya.

“She was moving stiffly, rarely left her nest box, and was no longer interested in even her favorite foods,” sabi sa pahayag ng Oregon Zoo.

Paliwanag pa ng zoo, bihira sa mga orangutan ang nabubuhay ng lampas 40 na taon pero si “Inji” ay nakaabot pa ng edad 50s bago magsimulang bumagal ang mental at pisikal na kakayahan nito.

Hindi batid ng zoo ang eksaktong birthday ni “Inji” pero tantiya nilang ipinanganak ito sa kagubatan sa Sumatra noong 1960 at dumating sa Oregon noong Jan. 30, 1961.

https://www.facebook.com/oregonzoo/videos/858058891660525/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?