227

Nov 23, 2021 @ 10:44
By

Pinakamatandang nabubuhay sa Pinas pumanaw sa edad na 124.

Pumanaw na ang pinakamatandang nabubuhay sa bansa sa edad na 124 taong gulang.

Nito lang Lunes, ibinalita ng city government ng Kabankalan sa Negros Occidental sa kanilang Facebook page na pumanaw na si Francisca Susano ang pinakamatandang lola sa Pilipinas bandang alas-6:45 ng umaga.

“It is with sadness in our heart when we received the news that our beloved Lola Francisca Susano passed away early this Monday evening November 22,” caption nito sa Facebook post.

https://www.facebook.com/102886948829114/posts/129786349472507/

“Lola Iska is considered the oldest person in Negros Occidental and the Philippines,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa mga ito, bineberipika pa rin ng Guinness World Records ang mga dokumentong kailangan para opisyal na maideklara si Lola Iska bilang pinakamatandang nabubuhay na tao sa mundo.

“Her official declaration as the oldest person in the world at 124 years old is currently validated by the Guinness World Records.”

Hindi pa matukoy ang sanhi ng pagkamatay ni Lola Iska. Dadaan naman ito sa ilang pagsusuri sa COVID-19 para malaman kung nagpositibo ba ito sa nasabing virus. (Sherrylou Nemis)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?