32

Jan 4, 2022 @ 17:27
By

Pinakamatandang nabubuhay sa mundo nagdiwang ika-119 kaarawan

Nagdiwang ng ika-119 na karaawan ang pinakamatandang nabubuhay sa mundo na si Kane Tanaka ng Japan.

Ayon sa ilang news media sa Japan, sinalubong ni Tanaka ang bagong taon at ang kanyang kaarawan noong Linggo sa isang nursing home sa Fukuoka, Japan.

Itanampok si Tanaka bilang “World’s oldest living person” sa Guinness Book of Records, na nagsimulang magtala ng kanyang edad noong Marso 2019, nang siya ay naging 116 taong gulang.

Dagdag pa riyan, nasaksihan ni Tanaka ang limang paghahari ng imperyal ng Hapon at dalawang digmaang pandaigdig.

Samantala, hiniling naman ng kaniyang pamilya ang patuloy na malakas na pangangatawan at kalusugan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?