16

Jan 26, 2021 @ 18:37
By

Pinakamaraming bagong COVID case galing sa Cebu, Davao

Lumobo sa 516,166 ang tinamaan ng coronavirus disease sa bansa matapos makapagtala ng 1,173 bagong kaso nitong Martes.

Ayon sa case bulletin ng Department of Health, karamihan ng kumpirmadong bagong kaso ay mula sa Cebu City sa 84, Davao City sa 67, Cavite sa 51, Quezon City sa 47 at Rizal sa 41.

Bunsod nito, umakyat ang active case sa 30,357.

Samantala, tumaas naman sa 475,423 ang mga nakarekober na matapos 18 pasyente ang gumaling habang 94 ang pumanaw na dumagdag sa 10,386 na ngayong death toll.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?