14

Jan 31, 2021 @ 10:17
By

Pinakamalamig ngayong 2021! Baguio binalot ng 10°C

Kailangang magbitbit ng sala-salabit na jacket kung balak pumunta ng Baguio sa mga susunod na araw.

Ito’y matapos na umabot na sa 10 degree Celcius ang klima sa Baguio nitong Linggo ng umaga, ayon sa Pagasa.

Lahad ng state weather bureau, natakda ang naturang temperatura bandang alas-5 ng umaga, at ang sinasabing pinakamababa ngayong taon.

Ang naturang malamig na hangin ay bunsod ng amihan, na inaasahang tumama sa bansa hanggang Marso.

Kung ikukumpara noong 2020, bumaba sa 9.4 degree Celcius ang klima sa Baguio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?