129
Pinakamalaking transportation, logistics convention, raratsada sa SMX
Jul 24, 2019 @ 16:29
By

Pinakamalaking transportation, logistics convention, raratsada sa SMX

Magsasama-sama ang mga bigatin sa larangan ng transportation industry sa PhilAuto 2019, na magsisimula ngayong Hulyo 24 hanggang 26 sa SMX Convention Center, Pasay City.

Ang apat na show na binubuo ng: PhilAuto, isang international auto aftermarket exhibition; PhilBus and Truck, ang bus, truck, & commercial vehicles exhibition; ColdChain Philippines and Construction at Machinery & Engineering Exhibition ay sasakop ng higit 9,000 sqm.at inaasahan ang0 10,000 buyers at visitors.

Sa press conference ng event na isinagawa noong Hulyo 18, inanunsyo ng AMB Tarsus ang kanilang mga pocket event para sa iba’t ibang sektor ng transportasyon.

Ngayon Hulyo 24 ay nagkaroon ng networking lunch ang Philippine Automotive Traders Association at ang Bus Summit kasama ang Nagkakaisang Samahan ng mga nangangasiwa ng panlalawigang bus sa Pilipinas, Inc (formerly Provincial Bus Operators Association of the Philippines) ay kasama sa Truckers Executive Assembly kasama ang Manila North Harbor Trucking Association.

Sa 2nd day naman ay magkakaroon ng Truckers Forum na inorganisa ng Haulers and Truckers Association sa Watersouth kasama si Senadora Grace Poe bilang guest speaker at ColdChain Academy, na suportado ng ColdChain Association of the Philippines.

Sa ikatlong araw naman ay magsasama-sama ang mga transport cooperatives mula Luzon hanggang Mindanao para sa National Transport Congress.

Layunin ng PhilAuto Show na mahumaling ang mga local at international exhibitor at pinagmamalaki ang business-to-business tradeshow na naghahatid mg top quality trade buyers at decision makers. Kilala ang PhilAuto bilang platform para sa mga pinakabagong auto part, accessory at service & repair equipment at supply. Suportado ang event ng Philippine Automotive Traders Association Inc.

Sa PhilBus Truck Expo naman, maipapakita ng mga manufacturer ang kanilang mga latest na commercial vehicle. Kasama sa mga lalahok sa nasabing expo ang mga big truck at bus manufacturers tulad ng Hino, Isuzu, Foton, Sinotruck, Kia, Shell at Caltex. Malaking karangalan din sa event ang pagpunta ng mga malalaking asosasyon tulad ng National Federation of Transport Cooperative, Confederation of Truckers Associations of the Philippines, Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus ng Pilipinas (formerly PBOAP), Haulers and Truckers Associations in the Watersouth (HATAW), Inland Haulers & Truckers Association (INHTA), Aduana Business Club Inc. (ABCI), Alliance of the Philippines Custom Brokers and Trucking Associations.

Sa Coldchain Expo naman, ibibida ang mga bagong teknolohiya sa Cold Chain industry kasama ang mga Reefer Containers, Refrigerated Trucks, Insulations, RFID Technology, Solar Panels, Cold Storage & Warehousing, Solar & Alternative Energy Sources, Packaging at iba pa.

Ito ang ikalawang taon ng Cold Chain Academy na magtuturo ng mga paksa ukol sa Cold Chain Automation & Maintenance hanggang food service distribution, efficient solutions for warehouse at marami pang iba. Suportado ito ng ColdChain Association of the Phillippines (CCAP) Pharmaceutical Healthcare Association of the Philippines (PHAP), Philippine Multimodal Transportation Incorporated (PMTLAI), at Philippine Association of Meat Processors Inc. (PAMPI).

Organisado naman ng AMB Tarsus ang Construction, Machinery & Exhibition Expo kasama ang CMEC International Exhibition Co., Ltd. (CMEC Expo) na suportado ng China International Contractors Association (CHINCA).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?