53

By

Pinakamalaking Pyro -musical competiton, nagsimula na sa Clark

Sinimulan na kahapon ang 10th Philippine International Pyro-musical competition na nilahukan ng 10 bansa na maglalaban sa pasiklaban ng pyro technics na ginanap sa Clark, Pampanga.

Nabatid na tatagal ang kompetisyon hanggang Marso 30 na una nang sinimulan sa SM bay ng Mall of Asia sa Pasay ng nakalipas na siyam na taon at ngayon ay sa Clark, Pampanga na ito ginawa dahil sa nagaganap na rehabilitasyon ng Manila Bay.

Kasama sa kumpetisyon ang defending champion sa pyro show ang Italy, Germany, Portugal, Finland, United Kingdom, Belgium, Canada, China at Poland habang hindi na isinali ang Pilipinas dahil hall of famer na umano ito sa pyro technics pero asahan na magpapasiklab pa rin ang bansa sa naturang programa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?