112

May 20, 2021 @ 11:26
By

Pinakamalaking iceberg sa mundo, nadiskubre

Gumuho ang isang malaking parte ng nagyeyelong bahagi ng Antarctica na nagresulta sa pinakamalaking iceberg sa mundo, ayon sa pahayag ng European Space Agency nitong Miyerkules.

Pinangalanan ang iceberg na A-76, na humiwalay sa Ronne Ice Shelf ng nagyeyelong kontinente.

Nakuhanan ng kanilang satellite na Copernicus Sentinel-1 ang naturang iceberg, na hugis oblong at kasalukuyang nakalutang sa Weddell Sea.

May laki itong 4,320 kilometro kwadrado, may habang 175 kilometro at may lapad na 25 kilometro. Mas malaki pa ito sa isla ng Majora sa Spain at state ng Rhode Island sa US.

Nilagpasan nito ang nautang naitala bilang pinakamalaking iceberg sa mundo. Dahil sa pagkadiskubre sa A-76 ay pangalawa na lamang ang iceberg na may pangalang A-23A, na may laki namang 3,380 kilometro kwadrado. Ito ay nakalutang din sa Weddell Sea.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?