19

Mar 4, 2020 @ 17:39
By

Pinakamalaking Harry Potter store bubuksan ngayong taon

Simulan nang mag-ipon, Harry Potter fans, dahil bubuksan na ngayong taon ang pinakamalaking Harry Potter store sa buong mundo!

Sa pagitan ng Hunyo at Setyembre 2020 (summer sa Amerika), bubuksan na ang Harry Potter flagship store sa 935 Broadway sa Flatiron District, New York City.

“This will be the largest dedicated Harry Potter store in the world and will become a must-visit fan destination where Harry Potter enthusiasts can engage with interactive experiences and numerous photo opportunities as they step into the magic,” sabi ni Worldwide Tours and Retail for Warner Bros. senior vice president Sarah Roots.

Sa tatlong palapag na gusali, mabibili ang mga magical product ng HP films, gaya ng personalized robe, house wand, at Bertie Bott’s Every Flavor Beans.

Sa ngayon, concept design pa lang ng tindahan ang nilalantad sa madla.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?