106

Apr 7, 2020 @ 19:53
By

Pinakamalaking barko ng PCG maghahatid ng mga medical suppy, frontliner

Magiging “transport ship” laban sa COVID-19 ang pinakamalaking barko ng Philippine Coast Guard (PCG).

Gagamitin ang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Gabriela Silang para maghatid ng mga medical suppy, personal protective equipment, gamot, mga health worker at iba pang frontliner sa mga ospital sa bansa.

Ayon kay Admiral Joel Garcia, Coast Guard commandant, kapag kinailangan ay maaari ring gawing quarantine ship ang BRP Gabriela Silang.

Kayang magsakay ng BRP Gabriela Silang ng may 500 katao at may bilis na 15 knots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?