1,320
Pinakamahal na resort sa buong mundo, binuksan sa Palawan
May 6, 2019 @ 17:01
By

Pinakamahal na resort sa buong mundo, binuksan sa Palawan

Opisyal nang binuksan sa Palawan ang tinagurian ngayong “world’s most expensive resort”.

Nagkakahalaga ang Banwa Private Island ng $100,000 per night o mahigit P5 milyon.

Dalawang oras ang biyahe patungo rito mula sa Maynila.

Isang 15 ektaryang private land umano ito kung saan maaaring mag-tennis, kayaking at beach volleyball o lumangoy sa clear blue waters ng Sulu Sea.

Kaya nitong mag-accommodate ng 48 guests at maaaring maglagi sa anim na beach-front villas na kumpleto ng private jacuzzi deck at infinity pool o garden suites.

Kabilang na sa babayarang $100,000 kada gabi ang lahat ng amenities at activities sa isla pati na unlimited spa treatments pero kinakailangang mag-book ang guest ng minimum ng 3 nights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?