106

By

Pinakamahal na kape, P4K ang isang tasa

Nagkakahalaga umano ng $75 o halos P4,000 kada tasa ang tinawag na “world’s most expensive coffee”.

Isini-serve ang exclusive Elida Natural Geisha 803 sa Southern California at San Francisco ng Klatch Coffee.

Ang mataas umano na kalidad ng naturang kape at limitadong supply ang dahilan kaya sobrang mahal nito.

Isa itong rare variety ng Arabica mula sa Panama na may floral, tea-like flavor with hints of jasmine at berries.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?