32

Apr 30, 2020 @ 14:51
By

Pinakabatang COVID survivor: 16-araw na sanggol, gumaling sa virus!

Matagumpay na nangibabaw ang isang sanggol kontra sa COVID-19 para maging pinakabatang survivor sa Pilipinas.

Binahagi ng Department of Health (DOH) ang kwento ni ‘Baby Survivor’ na na-admit sa National Children’s Hospital ng 11 araw dahil sa new coronavirus.

“Meet BABY SURVIVOR, a 16-day old baby who conquered COVID-19! Our frontliners at the National Children’s Hospital tirelessly took care of the neonate for 11 days and successfully nursed him back to health!” saad sa Facebook post ng DOH.

Pinuri ng DOH ang mga nag-alaga sa sanggol dahil sa patuloy na paglaban sa virus.

“The DOH applauds our valiant healthcare team for this feat! We at the DOH commits to provide the needed health commodities and personal protective equipment as our health facilities accept patients of various ages.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?