55

By

Pinainan ng seksing bebot: Mala-spiderman balik kulungan

Sharing is caring!

Madulas, matinik, notoryus at mala-spiderman!

Ganito inilarawan ni Quezon City Jail Warden Ermilito Moral ang naarestong preso na tumakas sa kulungan sa pamamagitan ng pagtalon sa mataas na gusali ng kanyang kinapipiitan at nagpalipat-lipat sa bubungan ng Quezon City Police District (QCPD) Station 10 at mga katabing bahay noong Disyembre 17, 2017.

Ayon kay Moral, bagama’t sinasabing sa QC lamang nagtago ang presong si JR Mananquil, 18-anyos, residente ng No. 119 Kaligtasan St., Brgy. Holy Spirit, QC, na may mga kasong carnapping, drug pushing at illegal possession of firearms, ay hindi ito agad nadakip dahil sa pagiging madulas.

Subalit hindi rin umubra ang pagiging spiderman ni Manaquil makaraang painan ng seksing bebot na nakilala lamang sa pangalang Rossana na kanilang kapitbahay na umano’y matagal na nitong gustong maka-ulayaw.

Nang malaman ito ng mga operatiba ay kinontak nila si Rossana na pumayag naman na maging ‘asset’ at kumontak kay Mananquil. Agad namang pumayag na makipagkita ang suspek sa kinababaliwang bebot hanggang magtungo ang dalawa sa BARTZKIE 81 Apartelle sa Payatas Road, Brgy. Litex, dakong alas-3:30 ng hapon.

Sa loob ng apartelle ay tila sabik na sabik umano si Mananquil at gusto nang makaulayaw si Rossana subalit niyaya muna ng bebot na uminom sila ng dalawang bote ng alak.

Pumayag naman si Mananquil pero lingid sa kaalaman nito sa pag-order nila ng alak ay kasunod na ng roomboy ang pinagsanib na puwersa ng mga operatiba ng Intelligence Group na nakabase sa Camp Crame sa pamumuno ni Supt. Victor Rito at Bureau of Jail Management and Penology, at agad siyang pinosasan sa kamay at paa.

“Kaya siya pinosasan sa paa, maliksi baka tumalon na naman,” ayon kay Moral.

Magugunitang dahil sa pagtakas ni Mananquil ay nasibak sa kanilang tungkulin sina Sr. Insp. David Jambalos, SJO4 Remegio Minao, SJO2 Antonio Ravago SJO1s Dominador Zacarias, Verolion Sayson, Ronnie Abugadie, Jhoemr Balila at Rey Julius, ang mga bantay na naka-duty nang makatakas ang naturang preso. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?