363

Oct 27, 2017 @ 18:11

Pinahabang Laguna Lake Highway, tapos na

Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksiyon ng pinahabang Laguna Lake Highway na dinagdagan ng 1.3 kilometro.

Ayon sa DPWH, ang 1.3 kilometro na karagdagang 2-lane road ay isinakatuparan sa ilalim ng Phase II ng Laguna Lake Highway Project.

Ang proyekto ay nagkakahalaga ng P140.331 milyon.

Paliwanag ni DPWH Secretary Mark Villar, layunin ng pagpapahusay sa nasabing kalsada na matiyak ang kaligtasan ng mga motorista, biker at pedestrian, gayundin ang mga residente sa lugar.

Ang Laguna Lake Highway ay ang nag-uugnay sa mga bayan ng Rizal sa silangang bahagi ng Metro Manila.

Ang ikatlong bahagi ng proyekto kung saan pahahabain ang highway ng 4.3 kilometro ay inaasahang matatapos sa Agosto 2018.

Kasabay nito ay pinasinayaan din ang bahagi ng kalsada na inilaan para sa bicycle lane.

Ang Laguna Lake Highway ang kauna-unahang highway sa Pilipinas na mayrong tatlong metrong lapad ng espasyo na inilaan para sa mga biker at jogger.

“In building the road network in the Philippines, it is important that we also put in place more pedestrian infrastructure. This will not only happen in Luzon but also in Visayas and Mindanao,” paliwanag ni Villar. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?