126

Dec 30, 2017 @ 11:21

Pinaglaruang kalan, sanhi ng sunog sa NYC; 12 katao patay

Patay sa sunog ang 12 katao kabilang ang apat na bata na sumiklab sa isang 25-apartment building malapit sa Bronx Zoo sa New York City (NYC), ayon sa hepe ng fire department ng siyudad.

Sa imbestigasyon ng New York City police, pinagsimulan ng sunog ang pinaglaruang kalan ng 3-anyos na bata sa kusina ng kanilang apartment na nasa first floor ng gusali bandang alas-siyete ng gabi ng Huwebes.

Nang tangkain ng ina ng bata na iligtas ang kanyang dalawang anak, binuksan nito ang pinto na naging dahilan para lalong kumalat ang apoy sa gusali.

Nasa kritikal na kondisyon ang apat na katao.

Naging ‘chimney’ umano ang hagdanan kaya’t mabilis kumalat ang apoy at hindi na nagawa pang makatakas ng ibang residente nito.

Bagaman mabilis na rumesponde ang bumbero, huli na para tuluyang apulain ang sunog kung saan namatay ang lima katao sa apartment habang pito ang idineklarang patay sa ospital.

Kabilang sa namatay ang isang ina at dalawang anak nito na babae, na may edad dalawa at pito, kasama ang 1 year old na baby at isang ‘di pa tukoy ang pagkakakilanlan na bata, ayon sa pulis.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?