406

Feb 21, 2020 @ 18:47
By

Pinaglalaban ABS-CBN franchise kasi stockholder: Angel pumalag kay Vivian Velez

Nagsalita si Angel Locsin sa paggamit ng dating aktres na si Vivian Velez sa pagiging stockholder niya sa ABS-CBN para bigyang-katuwiran kung bakit niya pinagtatanggol ang prangkisa ng media company.

Sabi ni Angel sa Instagram, unang-una ay hindi siya bahagi ng anumang political party o ng sinumang politiko.

Wala rin daw siyang existing contract sa ABS-CBN kaya walang kontrol sa kanya ang kompanya sa anumang gusto niyang i-post o sabihin.

Hindi raw pera ang dahilan kaya pinaglalaban niya na ma-renew ang prangkisa ng Kapamilya network at hindi na kailangang gawing isyu ang tungkol sa pagiging stockholder niya.

Maliit lang daw ang investment niya sa ABS-CBN at ido-donate niya pa ito sa charity.

“Money is not everything. (For your knowledge, maliit lang po ito. As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years. Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yun.) Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yun naman po ang importante,” bahagi ng post ni Angel.

View this post on Instagram

I saw some posts and been reading accusations that were thrown at me for speaking up for what I think is right. Just to clear things up, 1) I am not part of any political party, nor representing any politician. 2) I do not have an existing contract with ABS-CBN. Therefore, the company has no control on whatever I want to post. 3) Sorry to disappoint some people, but money is not everything. Hindi ko ho alam kung anong intention ni Ms. Vivian sa kanyang post, pero kung ito po ang gagamitin to discredit my name and what I stand for, hindi nyo po kailangang gawing issue. Kapag kumita po ang aking maliit na investment sa ABS-CBN, I WILL DONATE EVERYTHING TO CHARITY. Accounted. Again, money is not everything. (For your knowledge, Maliit lang po ito. As in. It’s a privilege offer of the company to some of their employees in installment plan. Mine is payable for 5 years. Wala pa po sa half ang nabayad ko kaya sa understanding ko, HINDI KO PA PO PAGMAMAY-ARI ANG STOCKS na yun.) Nirerespeto ko ho ang opinyon ng lahat. Alam ko na magkakaiba man ng paraan, lahat naman tayo prayoridad ang kapakanan ng mga manggagawa. Yun naman po ang importante. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻

A post shared by Angel Locsin (@therealangellocsin) on

Nauna nang sinabi ni Angel na ang mga nakasama niyang manggagawa sa ABS-CBN ang dahilan kung bakit gusto niyang ma-renew ang prangkisa ng TV network dahil may mga pamilya rin ang mga itong umaasa sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?