8

Feb 26, 2021 @ 15:46
By

Pinaghihinalaang MILF kalaboso sa Cotabato

Isang umano’y miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) BARMM sa Cotabato City matapos magbenta ng ilegal na droga.

Kinilala ang naaresto na si alias “Omar”ng Talitay, Maguindanao.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, nangyari ang operasyon sa kalsada ng Poblacion Dalican, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao noong Miyerkoles.

Nasamsam kay “Omar” ang dalawang sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang cellphone, mga ID at dalawang motorsiklo.

Nakatakas naman ang isa pang kasama nito na si alias “Sammy.”

Kasalukuyang nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act si “Omar.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?